Tuluyan nang pinagtibay ng Kamara ang House Bill 10524 na magbabawal sa withdrawal o pagbawi ng Certificate of Candidacy para magpalit ng kandidato sa eleksyon ang isang political party.
Inaamyendahan ng panukala ang Section 77 of Batas Pambansa Blg. 881 o Omnibus Election Code of the Philippines.
Sa paraang ito mahihinto na ang paglalagay ng mga placeholders para lang maka-abot sa deadline ng filing ng COC na isa anilang mockery o panloloko sa electoral system.
Nakapaloob din sa panukala ang pagsasama ng permanent incapacity bilang bagong ground para sa substitution ng kandidato.
Sakop nito ang mental at/o physical impairment, salig sa verified medical report ng isang licensed physician na nagsasabing wala nang pagbuti sa kalagayan ng kandidato at hindi na kakayanin na magsilbi sa tinatakbuhang posisyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes