Pinuri ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si weightlifter Vanessa Sarno sa ipinakita niyang laban sa Paris 2024 Olympic Games.
Sa Facebook post, pinasalamatan ng DSWD, sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang PIipino Program (4Ps), ang babaeng weightlifter na nagmula sa 4Ps household sa Tagbilaran City, Bohol.
Lumahok si Vanessa sa Olympic’s women’s 71kg division weightlifting.
Ayon sa post ng DSWD, ang dalawang nakababatang kapatid ni Vanessa ay mga anak na sinusubaybayan ng 4Ps habang ang kanyang ina ay isang solo parent.
Buong ipinagmalaki ng ahensya ang paglalakbay ni Vanessa sa Olympics at naging bahagi ng Philippine Olympic Team.
Si Vanessa ay dalawang beses na naging gold medalist sa South East Asian (SEA) Games.| ulat ni Rey Ferrer