Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na importante sa foreign policy ng Pilipinas ang Permanent Court of Arbitration.
Sinabi ng Pangulo na sa maraming pagkakataon ay kanyang binigyang diin ang naturang argumento sa harap na rin ng mga hamong kinakaharap sa kasalukuyan ng bansa na may kinalaman sa pagtatalo sa teritoryo.
Kaugnay nito’y iginiit din ng Punong Ehekutibo na mananatili ang Pilipinas sa pagtalima sa batas pandaigdig o international law.
Nagkita sina Pangulong Marcos at Secretary General ng Permanent Court of Arbitration na si Dr. Marcin Czepelak nitong August 29, 2024 sa Malacañang.
Sinabi ng Pangulo na ginamit niya ang pagkakataong sila ay magkita ng lider ng Permanent Court of Arbitration upang ma-highlight ang commitment ng bansa hindi lamang sa international law kundi pati na sa paghanap ng mapayapang solusyon sa hanggang ngayo’y hindi pa din nagwawakas na agawan ng teritoryo. | ulat ni Alvin Baltazar
📷: Presidential Communications Office