Inisyu na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order No. 64, na nagdaragdag ng sahod sa mga kawani ng pamahalaan.
Ang EO 64 ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin kahapon at magkakabisa sa sandaling mailathala na sa Official Gazette o sa mga pahayagan na may nationwide circulation.
Nakasaad sa nilagdaang EO 64, ang updated na pasahod sa mga government workers na nakatalaga sa Executive, Legislative, at Judicial Branches; Constitutional Commissions at iba pang Constitutional Offices.
Kasama din ng increase base sa EO 64 ang mga nagta trabaho sa Government-Owned or-Controlled Corporations (GOCCs) na hindi saklaw ng RA 10149, o ang “GOCC Governance Act of 2011.
Kasama din sa dagdag umento ang mga nasa lokal na pamahalaan. | ulat ni Alvin Baltazar