Nagbabala ang Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) sa pagkalat ng liquid shabu ngayong panahon ng kapaskuhan
Ito’y makaraang masabat ng mga tauhan ng PDEG ang anito’y bagong anyo ng shabu sa ikinasang operasyon sa Maynila kamakailan.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PDEG Director, PBGen. Eleazar Matta, ‘di hamak na mas mura at mas “discreet” ang liquid shabu kumpara sa tradisyunal na shabu.
Kaya naman pinag-iingat ni Matta ang mga magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak lalo’t target ng mga sindikato ang mga kabataan. | ulat ni Jaymark Dagala