Magkasamang isinagawa ng Philippine Air Force (PAF) at United States Pacific Air Forces (PACAF) ang isang joint exercise na tinawag na “Iron Blade” na kapwa ikinasa sa Basa Air Base sa Pampanga at Brigadier General Benito N. Ebuen Air Base sa Mactan, Cebu.
Tampok sa exercise ang dalawang FA-22 ng Estados Unidos at isang C-130 Hercules transport aircraft na nagsagawa ng flight formation, gayundin ang pagsasagawa ng mga talakayan sa flight operations and maintenance, at mga cargo-related discussion.
Ang Iron blade ay bahagi ng mga aktibidad ng US Air Force matapos ang kanilang paglahok sa Pitch Black Exercise sa Australia at bago ang naman ang pagpunta nito sa Kadena Air Base sa Japan.
Sa kabuuan, may anim na F-22 at tatlong C-130 na sasakyang pamhimpapawid ang US Air Force na kasali na isinagawang stopover dito sa bansa.| ulat ni EJ Lazaro