Sinimulan na ngayong umaga ang bilateral meeting sa pagitan nina Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro at Federal Minister of Defense H.E. Boris Pistorius na ginaganap sa isang hotel sa Makati City.
Sinasabing ito ang unang pagbisita ng German Defense Minister sa bansa kung saang tutuklasin ng dalawang opisyal ang iba’t ibang oportunidad para sa pagpapahusay ng bilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Germany.
Kasabay din ang nasabing kaganapan ngayong araw ng ika-70 anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa. | ulat ni EJ Lazaro