Nagtatag na ng “Task Force Mpox” ang pamahalaang Lungsod ng Quezon matapos makapagtala ng kauna-unahang kaso ng monkeypox sa Quezon City.
Ang Task Force ay binubuo ng ng iba’t ibang departamento at tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Batay sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, isang 37-anyos na lalaki ang nagpakita ng sintomas ng mpox noong Agosto 16 at kasalukuyan nang naka-admit sa San Lazaro Hospital.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte matapos masuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang specimen ng pasyente, lumitaw na positibo ito sa nasabing sakit.
Kaugnay nito, natukoy na rin ang 15 contacts ng pasyente at patuloy nang mino-monitor ng lokal na pamahalaan.| ulat ni Rey Ferrer