Nanawagan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa international partners na suportahan ang Pilipinas sa pagtataguyod ng “rules-based international order.”
Ang panawagan ay ginawa ng kalihim sa 35th Military Law Operations (MILOPS) annual conference sa Manila Hotel na inorganisa ng US Indo-Pacific Command kahapon.
Ayon kay Teodoro ang Pilipinas ang nangunguna sa pakikipaglaban para sa International Law sa bahaging ito ng mundo.
Binigyang diin ni Teodoro na ang pakikipaglaban ng Pilipinas ay hindi lang para sa pagtatguyod ng kanyang “sovereign rights”, kundi nagsisilbing “test case” para sa napagkasunduan ng sibilisadong mundo na interpretasyon ng international law, partikular ang “law of the sea”.
Apela ng kalihim sa mga kalahok sa kumperensya na sana’y huwag hayaan ang Pilipinas na maging biktima sa pakikipaglaban para sa international law. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of DND