Labing-dalawang kumpanya sa Pilipinas ang pasok sa World’s 1000 Best Companies ng Statistica at Time Magazine.
Dahil dito, ang Pilipinas ang itinuturing ngayong nangunguna sa Southeast Asian country dahil sa may pinakamaraming kumpanya sa pumasok sa prestihiyosong listahan.
Ang bansang Singapore ay may 11, Indonesia ay may 5, at tig-apat naman na kumpanya mula sa Malaysia at Thailand.
Ang Ayala Corporation ang highest-ranked Philippine company na nasa rank 274 at may score na 89.43 habang ang tatlong miyembro ng SM Group ang pasok sa labing-dalawa.
Kasama sa listahan ang Jollibee Foods Corporation, Aboitiz Group, San Miguel, Robinsons Retail Holdings, Security Bank, China Bank, Alliance Global, PLDT, Metropolitan Bank at Puregold Price Club.
Ang research project “World’s Best Companies 2024” ay isang comprehensive analysis na tumutukoy sa top performing companies sa buong mundo base sa Employee Satisfaction, Revenue Growth, at Sustainability Transparency (ESG). | ulat ni Melany Reyes