Naipresenta na sa plenaryo ng senado ang panukalang batas para sa modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa sponsorship speech ni Senate Committee on Science and Technology Chairman Senador Alan Peter Cayetano para sa Senate Bill 2825, binigyang diin nitong kailanagang palakasin ang kahandaan ng bansa sa sakuna.
Layon ng panukala na bigyan ang PHIVOLCS ng mas makabagong kagamitan at imprastruktura, pagbutihin ang kanilang pananaliksik at ang pagbibigay ng impormasyon sa publiko, at palawakin ang kanilang kakayahan sa pag-monitor ng mga sakuna.
Binigyang diin ni Cayetano na mapapabuti ng panukalang ito ang kahandaan ng bansa sa mga sakuna tulad ng lindol, pagsabog ng bulkan, at tsunami.
Pinunto ng senador ang kahalagahan ng agarang pagpapasa ng panukala lalo na’t madalas napapabayaan ang kahandaan sa sakuna hanggang sa huli na ang lahat. | ulat ni Nimfa Asuncion