Lumagda sa cooperation agreement ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ang Directorate General of Civil Aviation (DGAC) ng France upang mapabuti ang aviation sector ng Pilipinas.
Ang kasunduang ito ay nilagdaan nina CAAP Director General Manuel Tamayo at DGAC Thibaut Lallemand, na sinaksihan ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista at French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel.
Ayon kay Secretary Bautista, ang mga makabagong pamamaraan sa aviation sector ng France ay magsisilbing pamantayan sa aviation safety standards ng Pilipinas.
Sa ilalim ng kasunduan, ang CAAP ay mag-aadopt ng best civil aviation practices at technological innovations mula sa France, kabilang ang decarbonization, aviation sustainability, digitalization at iba pang mga usapin sa aviation sector.| ulat ni Diane Lear