Target ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magtayo modernong pabahay sa Novaliches sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH).
Katuwang ang PAG-IBIG Fund at Quezon City Housing Community Development and Resettlement Department, itatayo sa lugar ang walong gusali at higit isang libong units na maaaring malipatan.
Lalagyan ito ng commercial areas tulad ng community hall, community market, paaralan, at parking building.
Bukas ang aplikasyon ng pabahay program para sa urban poor sector, informal settler families, minimum wage earners, government employees, at overseas Filipino workers.
Kaugnay nito, may 500 potential beneficiaries mula District 5 ang sumailalim na sa oryentasyon para sa pabahay program.| ulat ni Rey Ferrer