Target ng Department of Education (DepEd) at World Bank na matugunan ang kakulangan sa learning resources sa basic education sa pamamagitan ng digitalization.
Ito ang isa sa mga pangunahing tinalakay sa pulong ni Education Secretary Sonny Angara at mga matataas na opisyal ng World Bank Philippines.
Bukod sa digitalization, tinalakay din ang early childhood development at ang plano ng DepEd na i-decentralize ang pagpapatupad ng iba’t ibang programa upang mas maraming mag-aaral ang makinabang.
Nauna rito ay sinabi ni Angara na mahalaga ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa basic education para sa 21st century learners.
Nais din ng DepEd na matugunan ang digital divide sa edukasyon at magbigay ng mga kinakailangang programa at teknolohiya para sa mga mag-aaral. | ulat ni Diane Lear
Photos: DepEd