Bumuwelta ang Department of National Defense (DND) sa mga nagpapakalat ng maling balita hinggil sa umano’y pagbibitiw ni Sec. Gilberto Teodoro Jr sa Kagawaran.
Ayon kay Defense Spokesperson, Dir. Arsenio Andolong, dapat itigil ng mga kritiko ang pagpapakalat ng maling balita sa publiko na layong maghasik ng gulo at pagkakawatak-watak.
Giit ng opisyal, nakatutok ngayon ang Kalihim sa pagpapalakas ng Defense Posture ng Pilipinas bilang bahagi ng pagtatanggol sa teritoryo ng bansa partikular na sa West Philippine Sea.
Dahil dito, hinimok ni Andolong ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasang impormasyon sa social media na layong ilihis ang atensyon mula sa mga tunay na hamong kinahaharap ng bansa.
Dapat din aniyang maging maingat at iwasan ng publiko ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon. | ulat ni Jaymark Dagala