Kinondena ng Estados Unidos ang mga naging aksyon ng China sa West Philippine Sea kung saan sa pinakahuling insidente sa dagat ay sinadyang binangga nito ang sasakyang pandagat ng Pilipinas na BRP Teresa Magbanua.
Ayon kay U.S. Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, kinokondena ng Estados Unidos ang mga mapanganib na paglabag ng Tsina sa international law sa isinagawa nitong pagbangga sa barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng legal na operasyon sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa nang mangyari ang insidente.
Muling pinagtibay din ni Ambassador Carlson na kasama ng Estados Unidos ang Pilipinas sa pagtataguyod ng international law kasunod ng patuloy na pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa pinag-aagawang teritoryo.
Patuloy naman ang pangako ng pamahalaan na ipagpapatuloy nito ang kanilang operasyon sa lugar sa kabila ng mga panggigipit ng China.| ulat ni EJ Lazaro