Halos P94-M halaga ng iligal na lead-acid batteries, nasamsam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa P93,696,385 ang halaga ng lead-acid batteries ang nasamsam ng pinagsanib na pwersa ng Department of Trade and Industry (DTI) Task Force Kalasag at National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City at Manila City.

Sa isinagawang pagsalakay sa isang warehouse sa Sgt. Rivera, Barangay Manresa, nasamsam ng DTI at NBI ang kabuuang 20,195  na piraso ng lead acid batteries.

Habang 614 na piraso naman ang nakumpiska sa Binondo Manila at dalawang katao ang naaresto.

Sa kabuuan, ayon kay DTI Assistant Secretary Agaton Teodoro Uvero, umabot na sa higit P200 milyon ang halaga ng lead acid batteries ang kanilang nakukumpiska sa mga serye ng pagsalakay sa Quezon City, Manila at Davao.

Sabi pa ni Uvero, mapanganib ang mga ito sa kalusugan ng tao dahil hindi ito sumunod sa Product Standards Law gayundin sa Philippine Standard (PS) Marks at Import Commodity Clearance (ICC) Stickers, na isa sa requirement ng Bureau of the Philippine Standards (BPS) ng DTI.

Kaugnay nito, inirekomenda na ng DTI sa Quezon City Local Government na tuluyan nang ipasara ang warehouse na iniimbakan ng lead acid baterries sa Quezon City. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us