Higit 352K ng basura, nakulekta sa isinagawang International Coastal Clean up kahapon— DENR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakakolekta ng abot sa 352,479 kilo ng basura ang mga volunteer na nakiisa sa taunang International Coastal Clean up (ICC) sa buong bansa kahapon.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Loyzaga, kabuuang 74,075 volunteers mula sa government agencies, academic institutions at private organizations sector ang lumahok ngayong taon.

Mas marami kumpara sa 35, 000 volunteers noong nakalipas na taong 2023.

Ang isinagawang clean up activity sa coastal areas at at mga tabing-ilog ay bahagi ng adbokasiya ng DENR na itaas ang kamalayan hinggil sa epekto ng plastic pollution sa marine life at ecosystems.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us