House Quad Comm, sinagot ang mga paratang ni dating Sec. Roque laban sa imbestigasyon ng komite

Facebook
Twitter
LinkedIn

May sapat na circumstantial evidence na nakita ang House Quad Committee para pagpaliwanagin si dating Sec. Harry Roque sa kaugnayan niya sa operasyon ng iligal na POGO.

Ito ang binigyang diin ni House Quad Comm lead chair Robert Ace Barbers matapos tawaging kangaroo court ni Roque ang imbestigasyon ng komite

Inalmahan rin ng dating opisyal ang paghingi ng Quad Comm sa aniya’y personal na mga dokumentong walang kinalaman sa POGO.

Sabi ni Barbers, sa dalawang beses na humarap si Roque sa kanilang pag-dinig ay mismong siya pa ang nagpresinta na mag sumite ng mga dokumento.

Ngunit ngayong naiipit na siya ay idinadaan na niya sa social media ang pagkwestyon at paninira sa komite.

“May overwhelming circumstantial evidence na established ng ating committee during the time na umaattend siya. Nung naiipit siya at hinihingihan namin siya ng dokumento, doon siya kung ano-ano ang kanyang binibitawang salita outside of the Congress. Pero nung nasa loob siya, very submissive naman siya. Sinabi nga niya, siya nag-offer, nag-volunteer siya na magsasubmit ng mga dokumentong hinihingi namin. Sabi niya I can even go beyond that Mr. Chairman. I can even ask the House to submit to the Quad the SALN which I submitted before when I used to work for the House of Representatives. E di naman namin hinihingi yan. Siya nag-volunteer,” giit ni Barbers.

“Ngayon, he’s now invoking a lot of kung ano-ano sinasabi niya. Doon sa kanyang pronouncements in social media, tinitira niya, sinisira niya itong Quad Comm. We will not just take it sitting down,” sabi pa ng Surigao del Norte solon.

Isang mahalagang resource person aniya si Roque sa imbestigasyon at ang kailangan aniya niya gawin ngayon ay harapin ito at magpaliwanag.

Hindi rin aniya uubra ang pagtatago sa right against self incrimination dahil hindi nito sakop ang documentary evidence.

Maliban dito, batay na rin sa umiiral na jurisprudence, mas may bigat ang right to information kaysa sa right to privacy lalo na kung interes ng publiko ang nakasalalay.

Pina-contempt at ipinaaaresto na ng komite si Roque matapos hindi pa rin isumite ang mga hinihinging dokumento gaya ng SALN, trust agreement, judicial estate at incime tax returns.

“Yung right against self-incrimination and several decisions of the Supreme Court only applies doon sa testimonial evidence. It doesn’t apply to documentary evidence. Ang hinihingi namin, documentary evidence yun….It will be very material doon sa point na bakit tumaas yung iyong wealth. There was an increased wealth. From P600,000 to eventually it became, the Biancham Corporation had in its assets around P150 million,” paliwanag niya.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us