Positibo ang international company na Macquarie sa energy landscape ng Pilipinas lalo na sa gitna ng pagpapahintulot ng ganap na “foreign ownership” sa mga proyektong renewable energy.
Kamakailan nagpulong ang mataas na opisyal ng Macquarie Group at Department of Finance (DOF) sa kanilang headquarters sa Singapore upang tuklasin ang mga bagong pagkakataon sa pamumuhunan at partnership.
Inihayag ng mga opisyal ng Macquarie ang kanilang aktibong pakikilahok sa mga energy transition project.
Sinabi din ng kumpanya na nahihikayat silang mag-invest sa bansa dahil sa matatag na demographic profile, batang populasyon, matibay na paglago ng GDP, at mga reporma na pabor sa pamumuhunan.
Tiniyak naman ni DOF Undersecretary Dorotan Tiuseco na patuloy sila sa pagsusumikap na i-update ang Nationally Determined Contribution kung saan prayoridad nila ang transport at energy sector.
Ang Macquarie group ay isang global financial services firm na 20 taon nang may operasyon sa Pilipinas.| ulat ni Melany V. Reyes