Binigyang-diin ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo ang malaking ambag ng pagiging ganap na batas ng Magna Carta of Filipino Seafarers sa pagpapabuti ng maritime education.
Aniya, tutugunan nito ang kakulangan sa training vessels ng mga maritime cadets dahil makakakuha na sila ng hand-on at practical training na kinakailangan para manatiling competitive ang ating mga marino.
Malaking benepisyo aniya ito sa may higit 600,000 na Filipino seafarers na itinuturing ding “lifeblood” ng global shipping.
“The signing of the Magna Carta of Filipino Seafarers is not just a win for our maritime workforce — it is a victory for the entire maritime industry. The law provides the legal foundation to safeguard the rights, enhance working conditions, and secure the futures of our seafarers,” saad ni Salo.
Kabilang pa sa mahahalagang probisyon ng panukala ang mandatory shipboard training, patas na pagtrato sa kung magkasakit o ma-injure at ang mahigpit na regulasyon laban sa ambulance-chasing.
“This law empowers our seafarers to thrive in a sector that is rapidly embracing digital innovations and transitioning to sustainable practices. With the Magna Carta in place, we are paving the way for a more resilient, future-ready maritime industry,” dagdag ni Salo.
Dahil sa batas na ito mas lalo aniyang pinatatag ang estado ng Pilipinas bilang nangungunang maritime nation kasabay ng pagtiyak sa karapatan ng bawat marino. | ulat ni Kathleen Forbes