Lalaking nawawala sa Taytay Rizal sa kasagsagan ng bagyong Enteng, nahanap na – Taytay MDRRMO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Taytay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na natagpuan na ang lalaking nawawala sa kasagsagan ng pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong Enteng.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Taytay MDRRMO Deputy Head Mark Jay Go, kinumpirma nitong natagpuan na ang batang nawawala sa Barangay San Isidro matapos tangayin ng tubig sa Taytay River simula pa noong September 2.

Kinilala ang biktima na si Carlos Miguel Lora, 12 taong gulang. Siya ay isang residente ng Cainta, Rizal, na bumisita lamang sa tiyahin na taga-Taytay din.

Huling nakita ang biktima kasama ang mga kaibigan sa Taytay River kung saan siya ay nawala.

Ayon kay Go, nakatanggap sila ng report kaninang alas-8 ng umaga na may katawan na natagpuan sa Floodway sa Exodus, Bermside.

Agad namang nagsagawa ng retrieval operations ang Taytay MDRRMO Urban Search and Rescue kasama ang Philippine Coast Guard, AFP, at PNP.

Sa ngayon, inendorso ng Taytay LGU ang labi ni Carlos sa Cainta MDRRMO. | ulat ni Diane Lear

Photos: Taytay MDRRMO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us