Binalaan ng Land Transportation Office ang publiko na iwasan ang pagtangkilik sa mga Online Driver’s License Assistance.
Ayon sa LTO, nakakabahala na ang pagtaas ng bilang ng mga post partikular sa Facebook na nag-aalok ng ‘non-appearance’ at mabilis na proseso ng transaksyon kapalit ang malaking halaga.
Kinokondena ng LTO ang ganitong mga aktibidad, bukod sa iligal ay hindi lehitimo ang alok na transaksyon.
Nilinaw nito na hindi konektado ang tanggapan ng LTO sa mga Online Assistance pages na naglipana sa iba’t ibang social media platforms.
Partikular na dito ang Facebook page na “Driver’s License Online Assist-LTO Quezon City”.
Babala ng ahensya na may katapat na kaparusahan na pagkakakulong ang mapapatunayang gumagawa ng iligal na aktibidad na ito at multang aabot sa dalawang milyong piso. | ulat ni Rey Ferrer