Nangako si Manila 3rd Dist. Cong Joel Chua na tutulungan nito si Lee Cacalda at si nanay Shirley upang magkaroon ng matibay at maasahang legal counsel sa paghahain ng kaso laban kina John Amores at sa kanyang kapatid.
Ang pamilya Cacalda ay biktima ng shooting incident sa Laguna na kinasasangkutan ng Amores brother.
Sinabi ng mambabatas na dapat harapin ng Amores brothers sa korte ang mga patong pating na kaso ng attempted murder, conspiracy to comit murder, illegal discharge of firearms at possible illegal possession of firearms and ammunition, obstruction of justice, public disturbance at illegal gambling.
Maliban pa anya ito sa kasong administratibo upang mabawi ang lisyensya niya bilang professional basketball player
Diin pa ng Manila Solon, dawit din ang kanyang kapatid na siyang driver ng motor.
Umaasa naman si Chua na mahahanap na ng otoridad ang baril na itinapon upang maging ebidensya sa krimen. | ulat ni Melany Reyes