Nais ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong na panagutin ng DepEd ang mga supplier na hindi nakasunod sa kanilang kontrata para pagpapatupad ng Last Mile Schools Program.
Ito’y matapos mapuna ni Adiong ang 50% utilization rate sa kabuuang ₱20.54 billion na pondo para sa na sa LMSP.
Punto ng mambabatas, isa itong disservice sa mga mag-aaral sa malalayong lugar.
Tinukoy ni Adiong na sa ₱20.54 bilyong alokasyon sa LMSP, 50% o ₱10.29 bilyon lang ang nagamit.
Ang atrasado namang pagpapatupad ng LMSP ay ula 2020 hanggang nitong 2023.
“You’re asking for a ₱10 billion budget for the same program, yet you have not utilized the remaining funds properly, and you did not even file a complaint against these erring suppliers,” ani Adiong
Layon ng LMSP na punan ang gap o kakulangan ng mga eskuwelahan na nakadestino sa mga malalayong bundok at isla sa pamamagitan ng pagpapaganda sa kanilang mga silid aralan at imprastraktura, lalo na ang mga walang kuryente.
Paliwanag naman ni DepEd Undersecretary Epimaco Densing III, sa tatlong contractor na napili para sa LMSP, isa lang ang nakakumpleto ng 95% ng kanilang trabaho.
Habang ang dalawang contractor, kasama na ang dapat gagawa sa Mindanao at hindi nakatupad.
“When the infrastructure strand was created, we talked to the three contractors, giving them a chance to continue. After they were given a certain deadline, only one of the contractors was able to finish, I think, 95% of what was allotted to it. The other one managed around 25% or 30%,” paliwanag ni Densing.
Nangako naman si DepEd Sec. Sonny Angara na gagawa ng hakbang ang komite laban sa mga responsable sa naturang delay.
“Yes, Your Honor, we will go after these people and the suggestion to pay special attention, tututukan po namin,” saad ni Angara. | ulat ni Kathleen Forbes