Nasa ikalimang araw na ng pagsasanay ang mga miyembro ng Naval Reserve Force na kalahok sa Mobilization Exercise (MOBEX) 2024 na isinagawa ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) ng Phil. Navy.
Layon ng pagsasanay na sinimulan noong Setyembere 9 sa Naval Station Romulo Espaldon (NSRE) sa Zamboanga Ciy at tatagal hanggang bukas, na tiyakin ang kahandaan ng Naval Reserve Force bilang “augmentation” sa mga regular na tropa sa panahon ng mobilisasyon.
Dito ay nagsanay ang mga reservist sa maritime security operations at iba pang misyon na kailangan ang kanilang partisipasyon.
Sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng pagsasanay, sinabi ni NFWM Commander Rear Admiral Francisco G. Tagamolila Jr. PN, na mahalaga ang papel ng mga reservist bilang “force multiplier” ng AFP sa pagtugon sa iba’t ibang hamong panseguridad. | ulat ni Leo Sarne