Ikinalugod ni Pangasinan 4th District Representative Christopher De Venecia ang pag-apruba ng plenaryo sa ikalawang pagbasa ng panukalang Young Farmers and Fisherfolk Challenge Program.
Ayon De Venecia na may akda ng House bill 613, layon nito na tugunan ang lumiliit na bilang ng mga kabataan sa sector ng farming at fisheries.
Solusyon din ito anya sa alarming rate ng average Filipino farmers na nasa 57 at 59 years old kaya patuloy na nababawasan ang bilang ng ating mga magsasaka.
Ang panukalang batas ay hindi lamang dinesenyo para palakasin ang youth participitation sa agrikultura bagkus upang pakapag bigay ng suporta sa pagpapaunlad ng agri business at agri-entrepreneurship bilang kapartner ng agricultural modernization.
Dahil sa pag-usad ng panukalang batas sa second reading, umaasa ang mambabatas na malapit na ito sa hangaring i-secure ang kinabukasan ng agriculture at fisheries sa mga susunod na henerasyon. | ulat ni Melany Reyes