Pag-apruba sa mga nakabinbing aplikasyon para sa produksyon, transmission at distribusyon ng kuryente, pabibilisin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaaral na ng bagong pamunuan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang kanilang proseso sa pag-apruba sa mga aplikasyong mayroong kinalaman sa produksyon, transmission, at distribusyon ng kuryente sa bansa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni ERC Officer in Charge Atty.  Jesse Andres, na maraming aplikasyon ang nakabinbin sa tanggapan dahilan kung bakit hindi makapasok ang mga nais maging key player sa energy sector.

Nagkaroon na aniya sila ng pulong sa kanilang hanay, para dito.  

Pagsisiguro ng opisyal, pag-aaralang mabuti ng komisyon ang mga aplikasyong ito upang matiyak na mapu-protektahan ang mga consumer laban sa mga nagmo-monopolya ng energy supply.

Pagbibigay diin ng opisyal, karagdagang kompetisyon sa merkado ang kailangan, upang maging mas maganda ang supply ng enerhiya, at upang mapababa ang presyo nito sa bansa.

“Have only one parameter – what is the public interest issue involved here and we have to apply strictly the regulations – walang middle, walang mali, dapat consistent applications of the rules, regulatory rules. At sa tingin ko po, kapag nasiguro natin iyong pantay-pantay na pagpapatupad ng regulasyon ay wala pong magrireklamo.” —Andres. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us