Welcome para kay House Quad Committee co-chair Dan Fernandez ang pag-lipat kay dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig City Jail.
Ito’y matapos ilabas ng Pasig RTC Branch 167 ang kautusan na ilipat na sa Pasig City Jail si Guo kaugnay sa kaso nitong qualified human trafficking gayundin ang pag-aresto sa labing-apat na iba pang akusado ng alkalde.
Non-bailable o hindi maaaring magpiyansa sa naturang kaso.
Sabi ni Fernandez maaaring hindi na ituloy ng Quad Committee ang paghingi sa kustodiya ni Guo ngayon maililipat na siya sa isang regular na kulungan.
Giit ni Fernandez ang dahilan kung bakit nila nais kunin ang kustodiya ni Guo mula sa PNP Custodial Center ay para maiwasan na mabigyan ito ng special treatment.
Sa pagdinig ng Quad Comm nitong Huwebes, hiniling ni Quad Comm co-chair Joseph Stephen Paduano na sumulat ang komite sa Valenzuela RTC na siyang may hawak ng graft case ni Guo para malipat ang kustodiya ng dating alkalde sa Kamara mula sa PNP.
Ito’y matapos i-contempt ng komite si Guo dahil sa pagiwas na sumagot lalo na sa isyu kung bakit hindi ito nag piyansa gayong ang kaso niyang graft at bailable sa halagang P180,000.
“Now that she will be committed to Pasig City Jail, I think that is good enough that she’s under the regular confinement. Nandun sya sa women’’ correctional okay na yun. Kasi baka mamaya nabibigyan ng…kasi nga there’s may mga sinasabi na special treatment siya ng PNP. Well, that is perception, it might be true. Now she’s being committed in Pasig City Jail, I think better na yan.” Ani Fernandez.
| ulat ni Kathleen Forbes