Pagbawas ng tubig sa Ipo Dam, itinigil na habang pinalakas naman ang pagpapakawala sa Ambuklao Dam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinigil na ang pagpapakawala ng tubig sa Ipo Dam sa Norzagaray Bulacan habang pinalakas naman ang pagbawas ng tubig sa Ambuklao Dam sa Bokod, Benguet ngayong umaga.

Sa inilabas na ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, bahagya ng bumaba ang lebel ng tubig sa Ipo dam sa 100.49 meters mula sa 100.10 meters normal water elevation.

Samantala, dalawang gate na ang binuksan sa Ambuklao Dam na may gate opening na .80 meters at patuloy pang nagpapakawala ng tubig.

Nasa 751.69 meters ang water level ng dam at may pagitan na .31 meters bago maabot ang 752 meters na normal water elevation ng dam.

Bukod sa Ambuklao, patuloy ding nagpapakawala ng tubig ang Binga Dam sa Itogon, Benguet.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us