Pinakokonsidera ngayon ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa COMELEC na gamitin ang fiscal autonomy nito para maitaas ang sahod ng kanilang mga kawani.
Ayon kay Castro, kung ikukumpara sa iba pang ahensya ng gobyerno, “vintage” na ang salary grade ng mga COMELEC employees na 3 hanggang 5 salary grade na mas mababa.
Ngunit may naging pagkakataon noon na mismong ang COMELEC en banc ang nagdesisyon na maitaas ang pasweldo ng kanilang mga empleyado.
Tugon ni COMELEC Chair George Garcia, gustong-gusto talaga ng poll body na maitaas ang sweldo ng kanilang mga empleyado.
Katunayan, mayroon aniya silang mga empleyado na Salary Grade 1 habang ang kanilang mga abogado ay nagsisilipatan na sa PAO o sa prosecutors office dahil Salary Grade 18 lang ang entry level sa COMELEC.
Gayunman, kahit ilang beses aniya nila hingin na maitaas ang kanilang Salary Grade ay hindi ito napagbibigyan dahil na rin sa kada tatlong taon ang eleksyon sa bansa.
At bagamat gustuhin man aniya nila na en banc na ang magtaas ng sweldo ay kailangan ng sapat na budget para ito ay maipatupad ng tuloy-tuloy.
Aniya kung may matitirang budget ang COMELEC ay saka lang din makakapagpatupad ang en banc ng adjustment kung sakali.| ulat ni Kathleen Forbes