Mariing itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kumakalat na pahayag na iniuugnay kay Director General Moro Virgilio Lazo tungkol sa mga umano’y drug lord sa Cagayan de Oro.
Nakasaad sa nasabing pahayag na matagal na umanong may lead kung sino ang mga drug lord sa Cagayan de Oro at ito ay lumabas sa Peace and Order Facebook page.
Ayon sa PDEA, ito ay ‘fake news’ at walang ganitong pahayag ang Director General.
Mariin ding kinondena ng PDEA ang pagpapakalat ng maling impormasyon at hinikayat ang publiko na maging mapanuri sa mga balitang kanilang nakikita at naririnig, lalo na sa social media.
Inaasahan ng PDEA na may mga lalabas pang mga paratang ng pagkakasangkot sa iligal na droga laban sa mga magkakalabang politiko sa papalapit na mid-term elections. | ulat ni Diane Lear