Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga miyembro ng Publishers Association of the Philippines, na huwag tumigil sa pagpapamalas ng kahulugan ng isang tunay na mamamamahayag.
Sa ika-50 anibersaryo ng asosasyon sa PICC (September 20), sinabi ng pangulo dapat patuloy na mag-innovate at sumabay sa pagbabago at pangangailangan ng makabagong panahon ang mga mamamahayag, nang hindi nako-kompromiso ang kaniyang prinsipsyo.
“As we mark this golden milestone, I urge you to keep pushing the boundaries of what it means to be a journalist. Innovate. Adapt. But never compromise your principles.” —Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, isang pangangailangan ang pagkakaroon ng mulat at maalam na mamamayan sa bansa, upang magabayan ang mga ito sa tama at matalinong pagdi-desisyon kaugnay sa kanilang mga lider, sa kanilang sitwasyon, at sa kasalukuyan nilang kondisyon.
Kaugnay nito, muling nangako si Pangulong Marcos na sa ilalim ng kaniyang administrasyon, naka-suporta ang pamahalaan sa paggampan ng mga mamamahayag ng kanilang tungkulin.
“Together, let us foster responsible journalism for we know that more than a democratic ideal; it is a necessity for an informed and empowered citizenry to make the proper, intelligent, well-informed decisions about their leaders, about their situation, about their condition.” —Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, katuwang ng mga ito ang gobyerno sa pagpapabatid sa publiko ng mga impormasyon na tama at totoo.
“This Administration is here to support you in shaping our narrative as a people, not just for today’s headlines but for the history we are yet to create. Let us continue to tell the stories that truly matter. Let us keep the light steady, no matter how fierce the storm.” —Pangulong Marcos.
| ulat ni Racquel Bayan