Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto sa harap ng Singaporean investors na magdudulot ng mas maayos at pinalakas na pagnenegosyo sa bansa ang inaasahang pagsasabatas ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy o CREATE MORE.
Ayon kay Recto ang bagong amyendang ito sa fiscal incentives regime o CREATE MORE ay makakaengganyo ng Singaporean investors.
Sa isinagawang 4th Philippine-Singapore Business and Investment Summit sa SIngapore, ibinida ni Recto ang mas open at liberalized investment landscape ng bansa dahil mas mapagtutuunan ang mga concern ng mga investor.
Kapag naging tuluyang batas, makakasabay na ang bansa sa “emerging global trends”.
Naniniwala ang kalihim na ang mga repormang ito ay magdudulot ng “booming economy” sa bansa at magdadala sa PIlipinas bilang “strategic haven” para sa Singaporean investors.
Ang Singapore ay 8th biggest trading partner, 2nd largest source ng foreign direct investment inflows, sixth major investor ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at 9th top source ng tourist arrivals. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes