Muling tatalakayin ng House Committee on Higher and Technical Education ang panukalang paglikha ng National Center for Scholarship sa bansa.
Sinabi ni House Panel Chair at Baguio Rep. Mark Go na hihintayin muna ng komite ang position paper mula sa ilang government agencies at private institution ukol sa proposed law.
Layon ng House Bill 4991 na iniakda ni Camararines Sur Rep. Gabriel Bordado na maging sentro ang pangangsiwaan ng pamamahagi ng scholarship sa ating mga kababayang mag-aaral.
Ayon kay Bordado, base sa datos ng Commission on Higher Education (CHED) ilang daang milyong piso ng pondo para sa scholarship ang nasasayang at hindi naibibigay sa mga deserving na mag-aaral.
Aniya, hindi lamang ito kawalan ng bansa bagkus sayang ang oportunidad para sa estudyante na magkaroon ng de kalidad na edukasyon.
Mahalaga aniyang magkaroon ng isang National Centre for Scholarship upang maging timely ang pagbibigay ng scholarship upang maisilbi ang hangarin nito na i-develop ang de kalidad na edukasyon sa mga kabataang Pilipino. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes