Panuntunan para sa ODA loans ng BARMM, inaprubahan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng Intergovernmental Fiscal Policy Board (IFPB) ang guidelines para sa official development assistance (ODA) loans para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang loan ay para sa foreign-assisted projects and programs na susuporta sa inclusive development ng Mindanao.

Ang IFPB ay nilikha sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law (BOL) para pangasiwaan ang revenue raising capacity ng BARMM, ito ay pinamumunuan ni Finance Secretary Ralph Recto at Bangsamoro Government Minister Ubaida Pacasem.

Ayon kay Recto, ngayong aprubado na ang guidelines inaasahang magbubukas ang limitless opportunities para sa rehiyon mula infrastructure development hanggang socioeconomic programs na lilikha ng trabaho at kita sa mga Bangsamoro people.

Aniya, ngayong kasado na ang guidelines, kumpiyansa itong magiging pagkakataon ito para sa epektibong paggamit ng concessional ODAs. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us