Matatapos na sa katapusan ng Setyembre ang 2.5-kilometrong Farm-to-Market Road sa Polangui, Albay na pinondohan ng P50 milyon ng Department of Agrarian Reform.
Inaasahang ililipat ng DAR ang pamamahala ng matatapos na proyekto sa lokal na pamahalaan sa Oktubre.
Ayon kay provincial Agrarian Reform Program Officer Randy Frogosa, tapos na ang isinagawang final inspection sa Itaran-Sitio San Luis-
Lourdes road concreting project.
Bukod dito, natapos na rin ang isinagawang pre-final inspection sa isinasaayos na 7.5-kilometrong Farm-to-Market Road na Calsada-
Malabnig-Mapaco-Mauraro sa Guinobatan na pinondohan din ng P50 milyon. | ulat ni Rey Ferrer