PRA, ibinida ang mga proyekto na magpapayabong pa sa ekonomiya ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinida ng Philippine Reclamation Authority ang mga pangunahing proyekto nito na hindi lang makatutulong sa ekonomiya ng Pilipinas kundi maging sa transportasyon ng mga Pilipino.

Sa ginanap na Transport and Logistic Forum 2024, ipinagmalaki ni PRA Chairperson Alex Lopez ang reclamation project sa Manila Bay partikular sa lungsod ng Pasay kung saan inaasahang magiging bagong tahanan ng nasa mahigit 20 hotels at iba pang commercial establishments.

Dagdag pa na Lopez, dito rin itatayo ang bagong opisina ng PRA at ang sinasabing legacy infra project ng Marcos administration na International Convention Center na mahigit sa doble ang laki sa PICC at SMX Convention Center.

Paliwanag ni Lopez, target nila sa PRA na tuparin ang adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na Bagong Pilipinas.

Ito aniya ang bagong Pilipinas na kayang suportahan ang mga lumalagong pangangailangan ng mga Pilipino. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us