Pinaplantsa na ng Quezon City Government ang ilulunsad na city wide program na “QC Tanggal Bara, Iwas Baha sa 142 Barangay sa Lungsod”.
Katunayan, pinulong na ni Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan upang mabigyang solusyon ang madalas na pagbabaha sa lungsod ngayong tag-ulan.
Nais ng alkalde na pangunahan ng mga barangay ang paglilinis sa kani-kanilang drainage systems, sewer inlets, at mga kalsada kung saan naiipon ang mga basura kapag may ulan.
Ang programa ay prayoridad na ipapatupad sa flood prone areas at mga tukoy na barangay na nakakararanas ng pag-apaw ng tubig sa tuwing may bagyo o nag-uulan sa lungsod Quezon. | ulat ni Rey Ferrer