Nakahanda na ang Quezon City Police District (QCPD) para sa pagsisimula ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa susunod na linggo.
Ayon kay QCPD Director BGEN Redrico Maranan, nakipagpulong na sila sa mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) upang plantsahin ang mga detalye ng seguridad at iba pang paghahanda.
Gaganapin ang paghahain ng COC sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City.
Sinabi ni Maranan na magdadagdag sila ng mga tauhan na ipakakalat sa lugar, ngunit ang pagtataas ng alerto ay nasa pagpapasiya ng NCRPO.
Nilinaw din ni Maranan na wala silang natatanggap na seryosong banta sa seguridad sa Quezon City na may kaugnayan sa darating na halalan. | via Diane Lear