Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang pagsang-ayon ng Pilipinas sa International Labour Organization (ILO) Convention No, 81 o ang Convention Concerning Labour Inspection in Industry and Commerce.
Ang kasunduang ito ay halos pitong dekada na ring naghintay ng ratipikasyon ng Pilipinas.
Sa ilalim ng ILO C81 ay nagtatakda ng international standard para sa labor inspection sa industrial at commercial establishments.
Ayon kay Senate Committee on Labor chairman Senador Joel Villanueva, ang kasunduang ito ay maituturing na napakalaking panalo para sa bawat manggagawang Pilipino.
Umaasa si Villanueva na sa pamamagitan ng ILO C81 ay magkakaroon na sapat na monitoring ng mga pangunahing prinsipyo ng disenteng trabaho para sa lahat.
Kasabay nito ay malalaman rin ng mga manggagawa at mga employer ang kanilang mga tungkulin para mapanatili ang isang maayos na employee-employer relationship.
Inaasahan rin ng senador na sa tulong ng ILO C18 ay tataas pa ang bilang ng mga labor inspectors sa bansa.| ulat ni Nimfa Asuncion