Rent system ng mga barkong pandigma, isinuhestyon ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinhagi ni Senador Francis Tolentino ang posibilidad na pagsusulong niya na rumenta ng nga barkong pandigma para bantayan ang mga isla ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Tolentino na mas malaki ang matitipid ng bansa sa oras na umarkila ito ng mga kinakailangan barkong pandigma.

Paliwanag pa ng mambabatas, hindi hamak na mas mabilis din ang magiging deployment ng bansa lalo na ngayong umiinit ang tensyon sa nasabing lugar.

Dagdag pa ni Tolentino na napag-aralan na niya ang naturang sistema at may impormasyon na rin aniya siya kung saan at sino ang mga kakausapin para sa lease agreement ng mga barkong pandigma ng bansa.| ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us