Sa kabila ng mga nangyari sa pagtalakay ng House Committee on Appropriations, ay handa pa rin si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na depensahan ang panukalang pondo ng Office of the Vice President.
Si Adiong ang magsisilbing budget sponsor ng OVP oras na maiakyat na ito sa plenaryo.
Aminado ang vice chair ng appropriations committee na hamon sa kaniya na i-sponsor ang naturang budget.
Gayonman, oras na sumalang sa interpelasyon sasagutin na lamang aniya niya ang mga katanungan, batay sa posisyon ng pamunuan ng OVP at anoman dokumento at datos na isinumite ng tanggapan ng pangalawang pangulo.
“Kasi iniisip ko na lang, okay, when the time comes, then I’m open to questions. So, I will answer questions based on the position of the Vice President and whatever I have in my possession as a document or data…yun naman talaga yung trabaho natin. Kailangan natin kapag bilang sponsor, you really have to equip yourself with the necessary information and inputs and data.” Giit ni Adiong. | ulat ni Kathleen Forbes