Umapela si Sen. Juan Miguel Zubiri sa Kamara na aksyunan na ang panukalang ₱100 legislated wage hike.
Tinutukoy ni Zubiri ang Senate Bill 2534 na layong obligahin ang mga employer sa pribadong sektor sa buong Pilipinas na taasan ang sweldo ng kanilang mga manggagawa.
Umaaasa ang senador na maitutulak ito sa Kamara dahil kailangan ng mga manggagawa ng ‘living wage’.
Iginiit ng mambabatas na hindi lang basta taas-sahod ang kailangan ng mga manggagawa kundi ang pagkakaroon ng living wage o sweldong totoong sapat at makakatugon sa pangangailangan ng pamilya.
Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado noong Pebrero ang panukalang ito at hinihintay pa ang bersyon nito ng Kamara. | ulat ni Nimfa Asuncion