Muling siniguro ni Speaker Martin Romualdez ang suporta ng Kamara sa pagpapatibay ng mga priority legislative agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasabay ng ika-anim na LEDAC meeting.
Sa pag-uulat ng House leader, hanggang nitong September 25 ay naaprubahan na aniya ng Kamara ang 60 sa 64 na LEDAC priority measures.
26 sa 28 na LEDAC common legislative agenda na target maaprubahan sa pagtatapos ng 19th Congress ang kanila aniyang naaprubahan na.
Sabi ni Romualdez, ang kolaborasyon sa pagitan ng lehislatura at ehekutibo ay nagresulta sa signipikanteng pag-usad sa Philippine Development Plan 2023-2028 at pagsasakatuparan ng Eight-Point Socio-Economic Agenda sa ilalim ng Medium-Term Fiscal Framework.
“During the previous LEDAC full council, I reported that the House of Representatives had approved three months ahead of schedule all 20 of the LEDAC CLA measures targeted for passage by June 2024. In a similar vein, we are targeting a 100% completion rate of these 28 priority measures by December 2024 or 6 months ahead of the end of the Third Regular Session,” sabi ni Speaker Romualdez.
Tiniyak din ni Romualdez na mapagtitibay ng Kamara ang House Bill 10800 o 2025 General Appropriations Bill ngayong araw.
Ito’y bunsod na rin ng certification of urgency ng Pangulo sa 2025 GAB.
“Yesterday (Tuesday), we received communication from His Excellency certifying to the urgency of the passage of the 2025 GAB. The House of Representatives commits to approve the FY 2025 General Appropriations Bill on second and third reading by today’s session, before we adjourn for the October recess,” sabi ni Romualdez.
Nagpasalamat din si Romualdez sa kaniyang mga kasamahan sa trabaho sa pagsuporta para maisakatuparan ang pagpapatibay ng 25 sa 28 LEDAC bills sa ikatlo at huling pagbasa. | ulat ni Kathleen Forbes