Nanawagan ang pamunuan ng Social Security System (SSS) sa employers na i-update o ayusin ang kanilang mga kontribusyon.
Ayon kay SSS Makati Branch Head Christine Francisco, ang pag-update ng kanilang kontribusyon ay para rin aniya sa kanilang mga empleyado.
Sa pamamagitan aniya ng updated contribution ay magiging kwalipikado ang mga empleyado ng mga nasabing employer sa mga benepisyo ng SSS gaya ng maternity benefit, loans, retirement at iba pa.
Liban dito ay handa rin aniya ang SSS na magbigay ng madadali at magagandang pamamaraan para makapagbayad ang delinquent employers gaya ng installment basis at condonation ng penalty. | ulat ni Lorenz Tanjoco