Walang pera ng pamahalaan ang ginamit sa pagdiriwang ng kaarawan ng Pangulo sa isang hotel sa Pasay-PCO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang ginamit na pera ng gobyerno sa ibinigay na pagdiriwang ng kanyang kaarawan kagabi para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez, kasunod ng pagdiriwang na ibinigay sa Pangulo na inorganisa ng kanyang mga kaibigan sa isang hotel sa lungsod ng Pasay.

Sinabi sa ipinadalang mensahe ni Chavez, “At no cost to the government” ang ginugol sa selebrasyon ng ika-67 taong kaarawan ng Pangulo, at mga kaibigan niya ang sumagot nito.

Bukod dito ay binuksan din ng Pangulo ang Malacañang sa publiko para sa kanyang birthday.| ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us