Patuloy ang pamamahagi ng financial assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga mahihirap na benepisyaryo sa iba’ tibang lugar sa bansa.
Sa ginanap na Bagong Pilipinas Caravan of Services sa Roxas City, Capiz, may 9,000 indibidwal ang pinagkalooban ng tulong.
Sa pamamagitan ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), bawat isa ay pinagkakalooban ng tig Php 5,000.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga minimum wage earners mula sa iba’t ibang sektor tulad ng mga magsasaka, food vendors, drivers, laborers, at househelpers.
Ang pamamahagi ay pinangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VI.| ulat ni Rey Ferrer