Nanawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga sundalo na manatiling “apolitical” sa darating na 2025 midterm elections.
Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Francel Padilla, hindi katulad ng Philippine National Police (PNP), walang magaganap na paglilipat ng mga sundalo na may kamag-anak na tatakbo sa eleksyon.
Naniniwala ang AFP na ang mga sundalo ay propesyonal at hindi kakampi sa kahit sinong politiko.
Dagdag pa ni Padilla, buo ang suporta ng AFP sa iba pang ahensya ng pamahalaan para sa seguridad ng eleksyon.
May mga task force na rin ang National Capital Region Command ng AFP at iba pang unit ng sandatahan, na nakahanda para sa pagpapanatili ng kaayusan sa iba’t ibang rehiyon. | ulat ni Diane Lear