Binigyang-diin ni US Secretary of State Anthony Blinken ang lumalala at dumadalas na iligal na aksyon ng China sa East at South China Sea.
Sa ika-12 ASEAN-US Summit, ipinunto ng US official na dahil sa mga agresyon ng China, maraming indibidwal na ang nasaktan at nakasira na rin ito ng mga sasakyang pandagat ng ilang ASEAN nations.
Malinaw, ayon sa US Official, na taliwas ito sa mga commiment ng pagkakaroon ng mapayapang solusyon sa mga hindi pagkakaunawaan sa rehiyon.
“We remain concerned about China’s increasingly dangerous and unlawful actions in the South and East China Seas, which have injured people, harmed vessels from ASEAN nations and contradicted commitments to peaceful resolution of disputes.” —Blinken.
Sabi ni Blinken, patuloy na isusulong ng Estados Unidos ang ‘freedom of navigation’, at kalayaan sa pagdaan ng air assets sa himpapawid ng Indo-Pacific.
“The United States will continue to support freedom of navigation and freedom of overflight in the Indo-Pacific.” — Blinken.
Ang US, kaisa rin aniya sa pagsusulong na maprotektahan at mapanatili ang katatagan sa Taiwan Strait.
“Advancing our shared vision also means coming together to address shared challenges to that vision, from the deepening crisis in Myanmar to the DPRK destabilizing behavior, to Russia’s war of aggression in Ukraine, which continues to violate principles at the heart of the United Nations Charter and at the heart of ASEAN Treaty of Amity and Cooperation.” — Blinken.
Pagtitiyak ni Blinken, mula sa pagtugon sa mga hamong kinahaharap ng ASEAN region, hanggang sa pagpapalago pa ng mga target nito para sa mamamayan ng mga bansang kasapi ng samahan, palaging maaasahan ng ASEAN ang Estados Unidos.
“Whether it’s responding to urgent global challenges or advancing the shared hopes of our people, the relationship between the United States and ASEAN will continue to be essential. We look forward to this partnership growing even stronger in the years to come, and I thank you again for your hospitality and for today.” — Blinken. | ulat ni Racquel Bayan